maraming maraming salamat po dahil...

> recent entries
> calendar
> friends

LINKS:
~ multiply
~ andrew
~ cez
~ clarisse
~ fatima
~ irish
~ jan mikes
~ joji
~ joy
~ marie
~ mich
~ nico
~ patrick
~ rayray
~ redg
~ reynard

free hit counter
unique hits since 01-02-08

> profile
> previous 20 entries

Advertisement

Saturday, August 8th, 2009
6:21 pm - saklolo TAKLOBO!!
Hi all! Help us raise funds for our upcoming international coastal clean up event this September 19-20, 2009! We will be selling T-shirts with the theme of our ICC in Puerto Galera: Saklolo Taklobo!



Be fashionable and help save the environment!:D Don't delay, order one now! A shirt costs 200Php. Sizes include small, medium & large for men's and small, medium & large for women's. Specific measurements to follow! To place your orders, contact Paul Repolona at 0927 8052962 or email him at escudo_15@yahoo.com. O kaya reply lang dito. :D Deadline of ordering is on August 23, 2009 Sunday. Save a clam! Ü

suportahan natin ang icc!! :) [click]



current mood: nag-aaral.. dapat xp
current music: nobody nobody but YOU ! :))

( ang cute ng dolphin... Ü)

Friday, July 10th, 2009
11:45 pm - aliw :))


oi apps! sali na! http://groups.yahoo.com/group/mbsapps2009

current mood: oi joanne!! mag-aral ka na!!
current music: tahimik na eh

( ang cute ng dolphin... Ü)

Tuesday, June 30th, 2009
9:17 pm - waaaaaaaaaaaaaaaaaaa
la lang.. tinatamad na namang gumawa ng kahit ano.. hahaha..

JOIN UP MBS!! Ü


ang ganda!!! sobra!! gusto ko nang mapanood /magpaspoil sa wikipedia :))

current mood: may hw ba ko?
current music: lulay

( ang cute ng dolphin... Ü)

Monday, June 15th, 2009
8:56 pm - segway
ung susunod pag nagtatrabaho na si ann.

grabe.. comment ni dadi kanina nung kumakain kami.. kasi daw paunti na kami ng paunti. nasa maynila na rin si kesibols.

trabaho? nyak. wala pa sa isip ko.. di ko pa nga ayos ung mga gamit ko para bukas eh.. first day!! kakatamad.. hehe.. [in denial xp]


sa statistics daw nila mga 60& % lang ung nakakamaintain hanggang grumaduate.

dapat na ba kong matakot? :P sana maging maayos tong sem na to.. gud luck ü


mga bagay na gustong kelangan bilhin ni joanne:

[ x ] ram (yay!! +1 gig!! argh ang gastos ko)
[ x ] contacts (more gastos argh)
[    ] memory card
[    ] rubber shoes
[    ] tsinelas!!
[    ] swimsuit :P
[    ] backpack (pang-camp/dive)
[    ] equipment
[    ] capo
[    ] violin (hahahahahahaha.. samahan na rin ng lessons :P)
[    ] macbook ( asasasasaasasasasaasasasa.. pramis.. sa future =)) )
[    ] underwater digicam (iponiponiponipon)
[    ] driver's license (bibilhin? argh kasi yang tin na yan)
[    ] pagkain (lol.. pero ang sarap ng chocolate hotcake.. lalo na pag ako ung nagluto at sinusunog ko.. crispy! :9)
[    ] rosal reunion? :P naiinggit ako sa ate ko nagreunion batch nila tas may yearbook na sila(after almost 4 years)!!! sa min kaya kelan?

ang gastos ko! :)) regaluhan nyo na lang ako.. malapit na naman bertdey ko eh.. 3 mos xp


current mood: may pasok na bukas!?! :O
current music: 5 centimeters per second - one more time, one more chance

(2 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)

Friday, January 23rd, 2009
2:12 pm - test post gling s phone :D
grbe kkpgod.. ascending s cwts tas sumama p q dun s walking n pe pra mgmakeup for bowling. anlayo! malay ko bang 2 oras un.. arcade.likod ng sc.gym.ayala technopark.philcoa.circle.quezon shrine.underpass[aliw un.. unang beses qng nkadaan].city hall.teachers village.philcoa.oval tpos arcade uli.adik talaga..

ngapala.. kongrats kesibols! easy peasy hahaha.. c liz kya?

current mood: sobrang pagod.at kulang s 2log.pro mrami pang ggwin
current music: magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay.. ang ganda nung commercial ng mcdo!

( ang cute ng dolphin... Ü)

Wednesday, November 12th, 2008
6:50 pm - kumusta naman..
waw 16 weeks ago.. parang once a sem lang a.. hahaha :P

Make my Life a Little Song
The UPCS Centennial Concert

Nov 21, 2008 7 PM
Abelardo Hall Auditorium
College of Music
UP Diliman

Featuring:
- Erste Stimmen(sp?)
- Gossamer Wings
- G-legs In Transit (debut performance!!)
at siyempre cherubs regulars at apprentices :D

tickets at P100.. bili kayo sa kin (while supplies last :P).. contact thru multiply/ym..
//sori sira phone ko eh.. :(

current mood: dami na agad hw!!
current music: god make my life a little song that comforteth the sad..

( ang cute ng dolphin... Ü)

Friday, July 18th, 2008
11:06 pm - haaaayy salamat
buti nalang...

kaso argh...

pili? ayoko..

current mood: pagod.. SOOBRAA
current music: gusto kong kumanta ng WALA! :(( tk!!

(2 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)

Thursday, July 3rd, 2008
8:55 am - soooooperr late.
ok.

since tapos ko nang basahin ang 1 sa 3 libro na binabasa ko ngaun, blog muna.

ang joke talaga. ung huli kong post na matino nung unang panahon pa.. basta magsisimula ako sa umpisa..

.. ng summer.. :P

[at andito na naman ung nagmamakaawang mapindot.. joanne magpost ka na daw!]

simula pa lang to.. di naman ako umaasang matatapos ko to ngaun sa aking 3-hour break.. xp )

ngapala.. ang mga pic dito ay nakaw lamang galing kina elayne at tintin at sa kung sino-sino pang cherubs.. :)

next tym na ung katuloy.. mag-aaral muna ko.. weh.

current mood: aral na joanne!
current music: gusto kitang makilala. gustong-gustong-gusto kitaaa.. aliw nakaka-lss.. :)

( ang cute ng dolphin... Ü)

Monday, May 19th, 2008
3:15 pm
image hosted by ImageVenue.com

nagmamakaawa na siyang mapindot.. :(

kaso tinatamad pa rin akong mag-update ng matino eh.. kaya eto na lang muna..


MY ALBUM COVER
Instructions:
1. http://en.wikipedia.org/wiki/Special:Random
The first article title on the page is the name of your band.

2. http://www.quotationspage.com/random.php3
The last four words of the very last quote is the title of your album.

3. http://www.flickr.com/explore/interesting/7days/
The third picture, no matter what it is, will be your album cover
You then take the pic and add your band name and the album title to it, then post your pic.


album

Have courage for the great sorrows of life and patience for the small ones; and when you have laboriously accomplished your daily task, go to sleep in peace. God is awake.
Victor Hugo (1802 - 1885)

current mood: bored.. tinatamad... bleh..
current music: someday we'll all be gone but lullabyes go on and on..

(3 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)

Tuesday, April 1st, 2008
5:43 am - cherubs camp na!!!
dahil ambano na naman ng blog ko at inaamag na sa aking once a month posts, at dahil paalis na rin kami maya-maya papunta sa sierra madre resort para sa cherubs camp, update muna.. :P

~ rakestra- pumunta kami sa fair nung feb 12 nina isa at lia.. sumakay sa ferris wheel at dun sa caterpillar/dragon, nakita ung mga jj's, napanood ung ibang banda.. pasensya na kung maaga kaung umuwi dahil sa kin..
~ odium hydroxide.. ano un? tanungin nyo na lang si isa..
~ last 2 interclasses sa touch rugby.. grabe.. nakakainis ung _____________.. lalo na si "daddy".. grarararar.. ung una sa sunken kami nung isang mainit na sabado.. grabe hanggang mga tanghali kaming naglalaro at nagkaron talaga ko ng linya sa braso at leeg ko.. pati rin dun sa medyas.. yaakkk.. tpos kumain kami sa mang jimmy's.. first time!
ung next interclass, late ako.. kasi aliw ung last meeting ng bowling na may kyut na disco lights pa.. pero at least nakalaro pa ko ng isang game.. kahit na sobrang nabugbog naman ako sa panghe-headbutt sa kin nung isang babae sa other class.. grarararar.
~ may natatandaan akong nagkaroon ng three day weekend at ang achievement ko nung mga araw na un ay nakatapos ako ng isang series.. secret na lang kung ano un.. :P
~ nyak anlaking jump.. nung nagkaron naman ng transport strike, swerte dahil nalaman ko na na suspended ung klase nung nasa bahay pa lang ako.. hahaha.. salamat..
~ anniversary nina mami at dadi.. yellow cab!! :9 at ang crammer talaga namin.. sobra.. nung gabi lang namin sinimulan ung paso.. :)
~ nung holy week (actually ung thurs at friday lang) pumunta kami sa verbum.. aliw ung sunflower story at nung pinagawa kami ng drawings tungkol sa paggawa ng tinapay at sa pagkonekta nun sa buhay.. kyut ng drowings eh.. crammed.. :)) tas ung susunod naman pinapresent nila kami nung 2 verse sa bible.. dabest ung mga "it is stolen!" tsaka "did you catch anything?, we didn't catch anything!".. hahaha.. at gusto ko nung chords nung mga kanta dun.. Ü
~ nawala ni dadi ung wallet nya.. at antagal-tagal naming naghanap nung araw na un.. pero di namin nakita.. tas kinabukasan nakita ko sa ilalim ng mga libro.. weird... pero dahil dun may reward ako.. hahaha..:D
~ umuwi kami sa batangas!!! finally after n years.. joke nung pasko lang naman.. pero antagal na rin nun.. tumaba nga si wendell eh.. joke.. kakamiss talaga..
~ grararar.. daming requirements nung finals week.. at bwiset dahil nung time na dapat nag-aaral ako para sa exam sa math ay nagccram ako ng essay na walang kwenta sa english at ng probset sa math na grup supposedly pero ano nga bang magagawa ko kung di naman nagoonline ung mga kagrupo ko at mas tinulungan pa ko nung di ko kagrup.. haaaaaayyyyy.. tas ilang oras lang ung tulog ko nun para makapag-aral para sa exam na di ko rin nagawa ng maayos kaya wala ako ng alam dun sa volumes na equation.... grararararar.. owell tapos na naman.. tapos solitaire+save+load+timer+scoring naman.. bwiset ang applets.. un lang..
~ well, at least math lang exam ko.. weehee!! ano bang meron sa 96? 84-100-96-102 :p
~ nag mit ang jr. staff sa bahay ni tita nung sabado.. nakakatuwa ung planning at ung paghilik ni ________.. nirecord pa nga eh.. hahaha.. sana maging masaya ung camp.. grar nga lang ung mga last minute nagsasabing di na sila sasama.. sayang ung inayos naming buddies at gruping..
~ kahapon naman orientation sa lahat.. at kami na rin ung nangolekta nung mga bayad.. nakakalito.. grabe.. pero pagkatapos nag-trinoma kami para bumili ng mga kelangan, tas pag-uwi nag-empake na.. at ngaun paalis na..

current mood: sana malamig dun.. ang init eh

( ang cute ng dolphin... Ü)

Saturday, February 9th, 2008
2:16 pm - i ♥ touch rugby!!!
hahaha.. kanina ung unang interclass.. at ang saya-saya!! wahahaha..

supposedly, 8 ung meeting time sa oval.. at cyempre, umaasa naman ako na di un matutuloy pero on tym pa rin ako dumating.. bait ko talaga.. :P at nagsimula kami nung halos 9 na.. at least andun si gihan.. hi gihan!! Ü ginawa ang walang-kamatayang dynamic warmup.. tpos sinabi na ung sked ng games..

pool b.. afternoon class team 2.. yellowMI.. kasi daw ang sabaw namin.. ako, mj, isay, carla, jolu, nico, adrian, steve + ate iya galing sa touch rugby team.. wala kami dun sa first set, tapos dalawang magkasunod, tapos mahabang break na naman, laro, break, finals.. unang kalaban, sina gihan (am red team).. tie 2-2.. tpos pm blue naman.. panalo kami!! 4-0.. at nakakatuwa kasi unang beses kong maka-touchdown!! woohoo!! layo nga eh.. haha.. nakakatakot kasi pagdating ko dun sa dulo iniisip ko na baka naman pala na-touch na ko tas di ko lang naramdaman at un pala sayang lang ung pagtakbo ko.. pero hindi!! buti na lang.. :P swerte talaga..

break... [at sa gitna nun ay ang magaling naming pagch-cheer sa red team(kasi sila lang ung naglalaro).. wave!! hahaha] tpos laro uli.. pero di ako nakapaglaro dahil wala namang nagpa-sub.. haha.. draw uli (1 ata) vs. pm green.. adik talaga ambilis nung isang lalake sa kanila..

tas picture taking sa tabi ng gma tarp ng rush(naks sponsor).. tas inannounce na ung rankings.. omg!!! 1st kami sa pool b!!! wahahahaha.. go yellow!!! pero kalaban namin galing sa pool a ay ang.. white team afternoon class!?! naman.. sa kanila rin pala mauuwi.. ang unang game namin laban sa kanila, tas sa huli sila pa rin!?! hahaha... pero ok lang.. masaya naman eh.. un naman goal eh, to have fun.. :) di ko naintindihan ung score pero nanalo sila.. pero ang ganda talaga nung laro lalo na nung first half na wala man lang nakapoint.. hehe.. go yellow!!!

tapos, awarding.. naks talaga may medal kami!!! woohoo!!! i'm so proud.. :D

maraming maraming maraming salamat sa aking mga grupmates, kay coach rey, sa mga nakalaban anmin, sa mga kaklase namin at sa kabilang klase, at sa lahat ng mga umatend ngaun.. Ü saya talaga!! :D

-----singit------

grabe!!! sooper busy ngaung linggo!!! monday math exam, tuesday math probset, wednesday math exam na naman!!! haha midterms.. at sobrang hirap magdesisyon nung araw na un.. mage-exam ba ko sa math o magt-touch rugby na may interclass sa sabado?? at sasama ba ko sa mga kablock ko para sa libre ni roy (belated!! :D) o magsisimba.. pero salamat po sa lahat ng mga tumulong sa king magdesisyon(ung tao at ung circumstance.. :P).. thursday ay pahinga day DAPAT kaso nga lang kelangang tapusing basahin ang el fili!! at gagawa pa ng paper.. pero in fairness natapos ko (kahit na mga 10 na halos nung natapos akong magbasa, tas nun ko pa lang sinimulan ung actual na paper.. buti na lang 2 pages lang at di katulad nung mga kinram ko last sem na at least 10-pages na term paper..

tas nung friday naman sobrang luwag na kasi pinasa lang naman ung paper sa eng tas wala nang klase, at sobrang wala akong magawa.. at dahil wala ring math umuwi muna ko tas bumalik na lang para sa natsci at praktis ng cherubs..

whooo.. at grabe, namumulubi(well hindi naman.. buti may ipon pa) na ko kasi nakalimutan akong bigyan ng baon nung thurs at friday at wala pa ring nadadagdag sa dost!!!! talaga naman oo.. sana ung sa isa pa meron na.. :P

current mood: congrats yellow team (pm)!! Ü
current music: beethoven's symphony no.7- in other words, nanonood ng nodame.. :P

(2 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)

Wednesday, January 30th, 2008
6:16 pm - ako ay tinatamad..
pasa ng mp. natsci exam. kanta sa sunken para sa cancer awareness. amazing arnold(haha aliw ung 'card' trick kay paolo..:P). parish of the holy sacrifice(after so many years). sangkatutak na praktis sa bahay namin at nina ate joy. kalabuan sa paghiram ng keyboard nina tita lenette. debut ni rasziel. reunion!!. ung tinuloy na slow dance/novelty songs suggestion namin ni tintin(go walter!!). 18 wishes. commute pauwi sa fx na hinuli pa ng pulis pagkasakay namin (sensya na po). loot bag sa bertdey ni elayne xp. bowling practicals. swerte day(daming strikeat spare at 118! tpos never nag-pushup o starjump!). math exam. verbum anniv sa la concordia. (jan20)hell week(cs exam+philo exam+natsci exam again). badtrip days(grar. grar talaga). cannibalism. goodbye kitty & 2 anak. liz-shs fair = octopus!!! sarap pag nakakalog utak mo!!. kaadikan. marunong na kong mag-rubik's cube!!! buo!! :P. chem part na ng natsci. i missed cherubs. pusoy dos na si nelson lang ang kalaban-pataasan na lang ng dos!. beebop, di namin nakakalimutan ung libre mo. 80. grouping sa touch rugby para sa interclass next saturday!!. midterms na rin next week!!. kelangan kong basahin ung el fili ni lacson-locsin dahil di ko napanood ung pagdating sa dulo.. :P

hahaha. )

may couples dito sa bahay ngaun.. sa verbum.. sana kainin na nila ung dalang pizza para mabigyan din kami.. :9 :P

current mood: nagbabasa ng elfili.. weh..
current music: soundtrack ng --- (tinapos na series kahit na wala pang subs ung iba)

( ang cute ng dolphin... Ü)

Tuesday, January 8th, 2008
10:17 pm - UP.. ang galing mo!!!
bwahahaha.. ansaya saya ng araw na to.. kaya kahit na maaga ang celebration kaysa dun sa actual na anniversary, HAPPY ANNIVERSARY UP!!!!!! :D:D:D

grabe.. kaninang umaga sobrang antok ko na dahil late na kong natulog dahil sa pagk-cram ng napakapangit kong news article sa english.. tpos ang haba pa nung discussion aya late na kaming natapos at nagmamadali na talaga kong bumaba mula sa 5th floor ng cal papuntang 4th floor ng as.. haaaayyyyyyy.. grabe talaga.. at late pa rin ako sa next class.. pero ok lang dahil un na naman pala ng last class dahil wala na namang klase ng 1 onwards(na nalaman ko rin lang pagkatapos naming maglunch at nung 1 na at andun na ko sa math bldg).. tas chineck ko rin ung sa natsci kasi exam namin dapat.. at nun ko rin lang nalaman na pareho kami ng prof ni bianca at sila ung nauunang klase sa min..

yey!! walang exa,!! kaso 3 pa ung miting tym namin at wala akong kasama.. kaya naglakad ako papuntang abelardo hall para dun na magbihis at tumambay muna (un na ung pinaka malapit na cr eh.. tsaka masarap tumambay.. hehe).. tagal ko na rin palang di naakapasok dun.. nakakalito ung nirenovate nila dun sa baba at ang tago na tuloy nung ladies' rum.

tapos, dahil maaga-aga namang dumating ung mga upis na cherubs (mga 2;15 siguro), pumunta na ko dun sa oblation plaza.. tpos praktis ng onti(3 lang kaming group 4 nun.. ang hirap..) tas tambay dun.. ang init grabe.. tas late din nagstart ung motorcade at sobrang daming tao at sobrang haba kaya antagal talaga.. iniisip nga namin kung gano karaming sasakyan ung kinailangan nila para madala ung mga taong un sa diliman.. alangan namang nilakad rin lang nila.. haha..

un.. pinapanood namin ung mga nagmomotorcade, ung mga nags-skydiving, ung performance ng fa(we will rock you!!! :P), at ung helicopter na naghuhulog ng confetti.. aliw ung isang beses na hindi naghiwa-hiwalay ung confetti kaya may malalaking chunk ng papel na nahuhulog.. hahaha.. tas meron din ung nilabas nung tao sa loob nung helicopter ung kamay nya (kasi wala na raw confetti) sabay hulog ng balloons!! yehey!! :D



mejo nakakainis nga lang ung mga taong andun sa stage.. stage nga un eh.. tas dun sila tumatayo para makakuha ng pictures at manood.. kami lang pwede gumawa nun.. joke.. pero sana rin hinarangan na lang nila para wala talagang gulo.. sa dinami-dami nung volunteers/marshalls.. haaaaaayyy..

tambuli na!! nakakatawa silang panoorin kasi andun lang sila sa gilid namin.. tapos kitang-kita pa na hindi talaga sila ung tumutugtog nung tambuli.. nakarecord lang.. pano namin nalaman?? kasi nung pumasok na uli ung sound ng tambuli after nung pause, may mga nagulat pa sa kanila sabay kunyaring blow.. hahahaha..

tapos kami na.. oo nga pala.. andaming dumating na "alumni" sina kuya carl, kuya ge, ate bo, ate dardsie, ate cla, ate joy, ate jane, ate mela, ate mariel.. andun din sina ate giselle at bea(BEA!!! tagal na nating di nagkita.. kakamiss talaga).. alleluia.. grabe, sa pagkahaba-habang oras naming naghihintay (tatlo halos), tapos na lahat nang isang minuto.. pero maayos naman daw.. sana totoo..

tpos kainan na.. aliw din dahil katabi nung van nina tita ung sasakyan ng nbn.. tas dahil marami ata kaming sobrang pagkain, binigyan sila.. at finocus nila kami sa camera nila.. sosyal.. :P

nagsialisan na ung mga tao.. pero ung iba samin, pinanood pa ung hanggang sa matapos ung
pag-iilaw nung torch.. go maki at alaya!!! 99 at 2!! hehehe..

pinanood pa namin ung performance ng pep, tapos sa wakas ay nakita na kami ni dadi.. ang galing kasi nung landmark na sinabi ko.. dun po sa tabi nung nagbebenta nung umiilaw na nakalatag sa sahig.. un, nakita nya kami.. hahaha..

tpos umuwi na.. panonoorin pa sana namin ni dadi ung concert hanggang sa fireworks kaso kelangan nang umuwi ni kesi.. un..

LSS of the day.. grabe naman kasi, simula nung dumating ako hanggang sa umalis, un ung nag-iisang kantang pinapatugtog nila.. lagpas 5 hours din un.. sabi ko nga, baka goal nilang patugtugin un ng 100 times.. grabe talaga.. kinakanta na nga namin with voicing eh.. hahaha.. pero aliw ung kanta..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
narito kaming nagpupugay
sa yu-nibersidad ng aming buhay
ikaw ang laging binabalikan
hinding-hindi malilimutan
ikaw ang up naming mahal..

salamat sa iyong mga guro
salamat sa iyong pagtuturo
---ooops----
---di ko na maalala ung lyrics---

isandaaaaaang taon na tayo
lagi ka pa rin sa aming puso/(sa yo kami'y sumasaludo?)
isandaaaaaang taon na tayo
u.p. ang galing mo!!
u.p. ang galing mooOO!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

saya talaga.. :D



happy 100 years UP!!! Ü

backtrack: busy naman ng simula ng taon.. well nung 1st day comsci lang ung klase ko at di ko na pinasukan ung math dahil sa pagkakatanda ko naman sinabi nyang wala talaga kaming klase nun pero sabi ni luigi meron daw kaya nakakatakot.. pero buti talaga di na ko pumasok..

nung sumunod na araw, walang english at swerte kasi naiintindihan ko na ng maayos ung philo at naggrupwork lang kami sa math para sa bonus points para sa exam tas nireview lang uli ung coverage ng exam sa natsci..

ngapala.. nag-reunion dito sa bahay ung adelfa(kesi 2nd yir section)... grabe ang ingay nila.. inggit nga ako kasi andami nila kahit na overnyt.. haaay.. namimiss ko na rin ang pisay classmates ko.. gusto ko ng reunion!!! :((

tas pumunta din dito si sir segarra.. haha..

saturday ng umaga pumunta kami sa pag-asa para magbigay ng advice sa choir sa simbahan nila.. naks.. pero un nga.. nakakakaba at nakakahiyang magsalita sa harap nila.. pero masaya rin kasi natutulungan namin sila.. siguro.. sana.. sana may napala naman sila sa pakikinig sa min..

pinakanta pa kami.. grar.. ambano ko talaga.. nakaka-distract kasi pag may kasama ko eh.. di ko na naririnig sarili ko.. grar.. aayusin ko na talaga sa susunod pramis..

tas pumunta kami kina tita rose.. kain ng macaroni salad, kanta, nood ng human tetris at david blaine's street magic(tingnan nyo sa youttube.. haha) tas umuwi na..

masaya ang monday.. kasi nagkasama-sama kaming 4 nina isa, marie at lia.. ang galing.. sobrang rare na nito ngaun eh.. haha.. un din ung unang beses kong nakita sina marie at isa ngaung taon.. hehe.. :P

tapos ko na ung mp ko!!! solitaire de command prompt.. hahaha.. gusto nyong itry?? beh:P.. sana wala nang error.. hehe..

pe bukas!!! aww.. namiss ko ang wednesday.. i love bowling and touch rugby.. Ü

current mood: saya saya talaga..
current music: isandaang taon na tayo lagi ka parin sa aming puso.. up ang galing mo!!!

( ang cute ng dolphin... Ü)

Wednesday, January 2nd, 2008
5:15 pm - waaaaa!!!!!!! may pasok na bukas!!! :((
at dahil dun, kelangan ko na talgang mag-update!!!

una sa lahat, belated merry christmas!!! at hapi new yir!!!! 2008 na!!!! ÜÜÜ

haha.. ambano talaga.. antagal-tagal ko nang pinopostpone ang pagbblog.. grar.. andami kasing ginagawa lagi eh...

1st part.. party!! note: mahaba ito.. )

tama na party.. umuwi kami nung 26.. pinaayos ung bwiset na burner nitong laptop.. kaya inuwi muna ung kay ate kitel.. at wala na naman akong ibang nagawa kundi ayusin ung acer.. grar..

grar.. kahit na nung nabalik ung asus, di ko pa rin maburn ung files ko dahil patalo ang nero 7.. grar talaga.. kaya inuninstall ko rin.. sabi nga ni dadi sayang naman ung 500 na binayad niya.. eh wala namankasi talagang kwenta eh.. dagdag patalo lang..

dec. 28-ang una at huli naming punta sa court.. grabe.. mas madalas pa ata pag may pasok.. pero masaya kasi unang beses kong maka-3 points!! kasi pagkatapos ng usual bente-uno namin ni ate kitel, patalikod-shots naman(wahaha mas magaling ako kahit ung mga naunang tira ay halos lumabas na sa bakod nung court).. tapos, attempt sa 3-pt line.. nakakatawa kasi sabi ko pa nun kay ate kitel, imposible naman to.. tpos, vroom!! smooth na smooth pa ung pagpasok ng bola dun sa ring.. grabe napasigaw pa talaga ko nun.. hahahaha..

well sa araw na un ay naka-3 3points ako.. hehe.. happy.. :)

linis uli, o kaya ayos ng computer.. lipat ng files dahil sa wakas ay nauwi na ung desktop at pwede ko nang masolo tong laptop.. bwahahaha.. nakipagpalit na rin nga pala ko ng table kay liz [para mas madaling patungan ng laptop at para walang matalisod sa mga kable papunta sa router at dahil nakakainis na ung mga nagtatambak ng gamit sa dati kong mesa dahil ito ang pinaka-accessible at nasa gitna pa..

gumawa rin pala kami ng butterscotch oat squares.. yumm.. at di na sunog tulad nung last tym.. hehe.. :P

dec. 30- hapi bertdey ate kitel!!! ang hirap mag-isip ng regalo.. dapat gagawa kami ng cake kaso di natuloy.. isip ng idea para sa card.. una, rubiks cube daw.. kaso ayoko nun eh.. at sinuggest ko na oc na lang.. kasi nung 29 at naglilinis kami ng study room, pinaalis ko cya sa table ni liz na table ko na ngaun, at nilipat cya dun sa table na tambakan ng kung ano-ano.. sabi nya cya daw ay oc, aka 'outstanding cleaner' at maglilinis daw cya kung ibabalik namin cya sa pwesto nya.. ayoko nga.. table ko na un eh.. hahaha..[un nga pala ung table nya dati nung di pa cya college at di pa lumilipat sa maynila].. eh di tuloy lang ng ayos ng mesa.. tas maya-maya, tulog na cya.. so outstanding!! xp

so un, gumawa kami ng booklet about oc..hehehe.. buti rin at naglakwatsa cla ng mga kabarkada niya.. time to cram the gift.. hanap ng oc words.. gupit gupit.. blablabla.. pinagalitan pa kami kasi nung dapat paalis na kami, ginagawa pa rin namin.. di pa tapos eh.. kinacareer kasi.. pero natapos din pagkauwi namin galing sa dinner sa kfc.. hehehe..

favorite part: ang aking explanations..
O-wing ->maraming utang
C-anine ->mukhang aso!!

hahahaha.. pati na rin ung old chimpanzee at obese caveman at odorous celebrant.. hahaha.. iba talaga pag may tulong ng dictionary.. :p

dec. 30 is paso day.. 3 beses!! una ung nahawakan ko ung lalagyan nung pinakulong tubig.. pangalawa, ung nahawakan ko ung stove nung nagpapakulo uli ako ng tubig..tas huli at pinakagrabe nung sinasalinan ko ng gravy ung lalagyan sa kfc.. eh kaka-refill pa lang nung waiter.. grabe, kumukulo pa ata un eh.. ang init!! well, buti ngaun wala na..

31- nagpaka-oc at nag-ayos ng mesa.. pati ung mga colored paper inayos ko by color and type-art paper o construction? hehe.. :P

hapi new yir!!! daming paputok ng kapitbahay namin.. at nakakainis ung katabi naming bahay dahil harang cya sa view!!! grar talaga.. pero masya pa rin.. hehehe.. media noche.. yummy..

at 2008 na nga!!! goodbye 2007.. paalam sa taon na dinadala ko simula nung ako ay kinder pa lang.. haha.. grabe..

aww.. mamimiss ko rin ang bibingka at puto bumbong(kahit na never naman akong nagsimbang gabi.. tamad talaga) pati na rin ang sangkatutak na ube(na dessert ata namin araw-araw sa mahigit na isang linggo..wahaha.. masarap naman eh) na binigay sa min ni tito lito at niluto nina mami..

at grabe.. nung 31 pala nung magsisimba na kami nahulog ko ung contacts ko sa cr.. tas dahil nagmamadali, di ko na lang muna hinanap at di na rin muna sinuot ung isa pa.. pag-uwi, matigas na at magkadikit.. tas napunit ko nung pinaghiwalay.. waa.. wala pa naman akong glasses.. at pasukan na sa 3!! pinagsabihan pa ko kasi antagal nang sinasabing dapat may spare ako.. at holiday pa man din.. buti na lang, kanina, pinapunta ko ni mami sa office nya.. unang beses kong mag-commute dun.. at ang hirap pa pag malabo ang mata.. tapos, hinintay ko pa cya kaso may miting daw kaya di rin pala ko masasamahan.. kaya mag-isa kong pumunta sa waltermart ideal vision para magpagawa ng salamin..

yay!! may salamin na ko.. at bagong contacts na rin!! mejo sakto lang kasi last yir halos gantong panahon ko rin naman binili un.. at bumaba rin ung grado ko!! yehey!!

tpos kumain kami ni mami.. nagmisa.. tas umuwi na ko..

quotable quotes:
"sa susunod colored na ung lens na bilhin mo.. [ako:taas ng kilay] para pag nahuhulog mas madaling makikita.." ~dadi
aaa.. kala ko kung ano.. ayoko nga..

pero gusto ko.. puti.. joke.. :P

may pasok na bukas.. grar.. ok lang late matulog 9:30 pa naman klase ko eh.. sana talaga walang math.. wala naman di ba?? :P

current mood: may pasok na bukas!!!
current music: blue moon.. adik kasi mag-piano ung mga kapatid ko..

(2 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)

Tuesday, December 18th, 2007
11:04 pm - trinoma once again..
grabe.. parang wala kaming kasawa-sawa ni kesi sa trinoma.. dahil kanina ay andun na naman kami.. parang nung linggo lang kumanta kami dun.. wahahaha..

kahapon kasi dapat, dahil pupunta naman sya sa upis.. sabay nga kaming nagcommute papuntang up eh.. pero dahil impatient cya, nag-ever na lang cya mag-isa at umuwi na.. iniwanan ako.. :((

kaya kanina na lang.. 10 ang 1st class ko (philo).. pero sumabay ako kina dadi na papunta sa christmas party nina rj.. ang aga ko tuloy.. at ang onti naming studyante at nung mga 10:30 sabi rin ni sir na may meeting cya.. ngek.. sana di na kami pinapasok..

dumaan pa ko ng cs kasi baka may announcement tungkol sa natsci at dahil maaga-aga pa.. pero dahil wala, pumunta na lang ako ng trinoma matapos na itext si cez na andun na ko.. at sinabi ko rin sa sarili ko na inde nako papasok sa natsci.. bahala na si batman.. sana di nagklase.. xp

ikot-ikot muna.. mahal ko ang powerbooks!! :P tas nung dumating na si cez, saka ako nag-lunch.. tas gift-hunting na naman..

sa tagal-tagal naming umikot dun ay wala kaming nabili... kaya pumunta kami sa sm.. ikot uli.. at sa wakas may nabili na kami.. ngapala.. ung mga regalong to ay para sa kris kringle namin sa cherubs.. nabili na namin ung para sa mga nabunot namin.. :) tas balik sa trinoma para dun sa para sa nakabunot sa min.. (gets?? haha) sana magustuhan niyo.. antagal naming naglakad para jan sa mga yan.. nag-compare pa kami ng presyo sa magkakaibang store at sa magkakaibang mall..:P

at dahil mga pasaway kami, timezone!!! bwahahahaha... una naming ginawa ung horse race.. GRABE!!! un pa lang sobrang pagod na kami(malamang).. tapos, basta un.. inubos lang namin ung laman nung card.. saya!! :D

kain sa mcdo tas uuwi na sana.. kaso walang kwenta ang terminal ng trinoma dahil wala silang jeep na dumadaan sa min.. tas ung fx parang fixed rate ung sinisingil na P30 kahit na ang lapit lang namin.. grar.. kung bat kasi nakakatamad maglakad uli papuntang sm eh..

buti na lang timing ang pagtext ni dadi.. pupunta daw sila sa simbahan sa pag-asa para ipa-bless ung bagong kotse(bagong kotse?? mamaya na yan).. eh di naglakad kami papunta dun (btw, ung simbahan na un ung nasa likod direkta ng sm.. un lang).. dasal, hintay.. tas may narinig kaming pamilyar na busina kaya sumilip kami sa labas (andun lang kami sa tabi ng pinto).. may itim na kotse dun pero di namin pinansin dahil ineexpect namin na gagawing taxi ung biniling kotse.. isnab lang.. tas sumilip si mami dun sa simbahan (at di nya kami nakita.. amazing).. un na pala ung sasakyan.. pero dahil wala daw pari, di na rin napa-bless dun.. sa st. peter na lang.. at dahil ang labo ng parking dun, sa huli, dun na lang binless sa harap ng convergy's.. aliw.. salamat po father.. :)

isang linggo na lang!!! pasko na!!! pero kahit na di pa talaga pasko, sobrang dami nang blessings na dumating (kahit na part nung pinambili ng kotse ay galing din sa min =P).. maraming maraming salamat po sa lahat.. advanced hapi bertdey!!! Ü

--- lantern parade na bukas.. at ewan ko kung anong mangyayari sa block party.. gud luck naman... waaaaaaa!!1 di ko pa nababalot ung mga regalo ko.. :P---

current mood: one week na lang!!!!
current music: tayo sana'y pagpalain dito sa pananalangin..

( ang cute ng dolphin... Ü)

9:52 pm - impromptu.. [cherubs concert w/ pops fernandez sa trinoma!!!]
una at huling beses kong kakanta sa mall as cherubs.. bwahahaha.. grabe.. nakaka-stress..

trinoma activity center. dec. 16, 2007. 6 pm. ms. pops fernandez and the up cherubim and seraphim.


naks naman.. hanapin nyo ko..:P
[galing sa multiply ni ate cissy]

pero cyempre, alangan namang pumunta kami dun ng 6 tas diretso kanta na.. kaya andun na [dapat] kami ng 3.. kaso dahil mabagal si ate kitel at sooper traffic sa loob at labas ng trinoma, late kami.. sori..

at nakakahiya pa kasi kelangan naming maglakad sa trinoma nang naka-costume.. cyempre di naman talaga namin dapat ikahiya un pero ang weird lang talaga na may 3 babaeng naka-kimona't patadyong na kulay mentos na lumabas sa isang kotse na andun sa napakahabang pila papunta sa parking at umakyat sa escalator at naglakad sa napaka-crowded na daan papunta sa activity center ng trinoma.. buti na lang 3 kami pero ganun din un eh..

pagdating dun sa gitna, pinapasok na kami dun sa dressing rum na sobrang sikip(ok di naman mashado pero naman.. halos 40 kami dun..)at init at mejo madilim.. pero kahit papano pwede naman naming itaas ung kurtina at dun tumambay sa mismong likod ng stage.. at mejo matagal din ung dahil 4 pa ung soundcheck..

impromptu.. kinausap kami ni tita sa loob ng cabineteste dressing rum pala at sinabi nya na 6 na lang daw ung kakantahin namin, at kasama na dun ung isang kantang kasama si pops.. ok.. mula sa 1 hour na repertoire na nahati at naging 30 mins/10 songs, 6 na lang ang natira.. pero ok na rin, less hassle.. sayang nga lang di na namin nakanta ung one voice at dalangin sa pasko.. un [pa naman ung favorite ko sa mga kakantahin namin.. cyempre aliw din ung iba pa..:)

soundcheck.. 2 ulit lang kaming kumanta.. ung una, naka-hilera kami pero dahil di daw naririnig, sa huli, nakagrupo na lang kami according sa boses tas tig-2 mic bawat boses.. at nakakatawa at nakakatakot din kasi 8 lang kaming 3rd voice kaya cguradong rinig kung may magkamali man.. rar..

tapos, tambay na naman sa mainit na kwarto.. pero may mas malala pa pala dun.. ang cr.. kasi may mga nagpasama.. tas cyempre lakad kami papunta dun.. at alam niyo naman cguro ung layo ng mga cr sa activity center di ba?? at gaya nga nung una naming paglalakad dun, pinagtinginan na naman kami ng sangkatutak na tao.. waaaa.. tas pagdating pa sa cr andami pa ring tao.. at sooper init talaga.. haaaaaaayyy...

pagbalik namin, may food na!!! kaso di pa namin pwedeng kainin.. aww... tas pinaakyat pa uli kami sa stage.. tas hintay na uli..

ay oo nga pala.. nung mga oras na un, dumating na si pops.. dumaan cya sa "dressing rum" namin na katabi nung sa kanya eh.. hehe..

picture picture.. at may group pic pa kami kasama cya.. sana may nag-upload.. :P tpos, pila na.. pero cyempre may pahabol pang telenobela-pose-pics + kung ano-anong kaewanan dahil sobrang boring at wala na talaga kaming magawa.. hehe..


sabi sa inyo eh.. [eto naman ay nakaw sa multiply ni elayne.. sensya na.. tao lang.. may pics din sa multiply ko.. :P]

kanta na.. waaaaa!!! andaming tao.. nakakalula.. at dahil din sa kadamihan ng tao at sa fact na nasa mall kami, sooper ingay talaga.. di ko na naririnig ung iba pang tao maliban na lang dun sa mga ka-share ko ng mic.. haaaaaaayyyyy.. grabe talaga.. ang hina nga daw namin sabi nina dadi.. owell, na-warningan na nga kami jan kanina eh..

impromptu.. nung kinanta namin ung silent night, un ang una at huling beses naming kinanta un kasama si pops.. wala talagang praktis.. freaky..

at sa wakas!!! tapos na!!! grabe.. stress.. pagbaba ng stage, kainan na!!! at ang saya-saya kasi parang nagwawala na kami dun sa likod ng stage... kasi aliw ung tugtog eh.. at ang lively at sobrang lakas pa.. nakakabingi.. eh halos andun nga kami sa likod ng mga drum eh.. at di rin namin agad napansin na nakikita pala kami nung mga taong nasa taas ng likod ng stage.. hehe..

tambay uli sa 'rum'.. nanonood pa rin kasi sina dadi at mami.. nakita ung mga "older cherubs" na nag-reunion na rin dun.. tpos pinalabas kami nina ate dada kasi ka-duet daw ni walter si pops!!! omg!!! at may kiss pa sa cheeks!! walter! pa-autograph!!! :)) aliw..

tpos nun, pumunta na rin kami dun sa audience.. at nakausap ko si walter at sinabi nyang hinatak at pinakanta cya dun ni pops.. at nakalimutan nya ung lyrics ng memorize na memorize nyang kanta [na-starstruck ata:P] kaya dinidiktahan din daw cya.. hehehe.. aliw talaga!! :D

tpos, umuwi na rin kami [at iniwanan si ate kitel dahil ambagal nya].. sayang nga lang di namin napanood ung fireworks [meron nga ba?]..

at dun nagwawakas ang aking kwento.. grar.. malls.. pag kakantahan mo.. :P

current mood: bwahahaha
current music: santa claus is coming to town!!!

( ang cute ng dolphin... Ü)

Wednesday, December 12th, 2007
6:58 pm - spoof part 2
may nakalimutan pala kong sabihin.. tsaka may idadagdag na rin..

nung bowling namin nung isang beses, nagwa-warmup na kami tapos...
claire: anong size ung kinuha niyo?
marie: ako 7..
isa: 8
ako(inassume na size ng sapatos ung tinatanong niya): 9..
claire: ambigat naman..

ung bola pala ung tinatanong nya.. mwahaha.. andsama ni isa un din naman ung iniisip niya.. porke tama ung nasabi nya dahil pareho ung size ng sapatos niya at ung weight nung bola.. hmph..

at kanina, after bowling (at dahil walang touch rugby), kumain kami sa tokyo tokyo ni isa.. nakakatawa kasi sinubukan ko ung tonkatsu on stick nila at isang stick lang ung binili ko para may space pa para sa CALIFORNIA MAKI!!! :9 tas maya-maya, may naglilibot na babae.. tas pinaglalagyan nya ung mga plato namin ng... pork tonkatsu on stick!!! free trial daw.. bwahahahaha.. parang nadoble ung binili kong pagkain.. buti na lang talaga isang stick lang ung binili ko.. sulit.. :P

weird talaga.. minerienda ko na lang tuloy kanina ung maki.. eniweys.. salamat po sa pagkain.. Ü

sayang marie sana sinamahan mo na kaming kumain.. xp

walang klase kahapon ng hapon!!! yehey!! kaya niyaya ko si cez na mag-trinoma at ako ay namili ng regalo(pero feeling ko kulang kaya isang araw ay lalabas uli ako).. at dahil wala na kaming ibang magawa ay nag-window shopping na lang kami.. ang kyut nung laruan dun sa tuktok ng landmark.. ung mag-iisip ka ng isang bagay tas tatanungin ka nya tas huhulaan nya.. nakakabaliw at nakakaadik.. ayaw na nga sana naming umalis dun kaso nakakahiya naman dun sa mga kuyang nagbabantay..

sayang di nya nahulaan si dora.. "do you touch it when you use it?" huh!?! =D

nagbunutan na rin sa cherubs!! sa wakas.. nabunot ko elem boy.. :) sino kaya?? 5 lang naman sila eh, tas nabunot na rin ni cez ung isa.. bwahaha..

isa pa palang spoof.. favorite na namin ni tintin ang one voice.. bakit?? kasi nung nakaupo kaming magkatabi nung praktis dati, bigla na lang naming kinanta ung ba-ba-ba-ba-badadadada... hehehe.. kakatakot.. sabay na sabay eh.. :))

at weirdo ang optical mouse ng genius.. gumagalaw ba naman mag-isa!! iwanan mo lang na nakapatong sa mousepad tas nagsasayaw ung cursor.. freaky.

current mood: :)
current music: ba ba ba ba.. badadadada.. badadadabadada..one voice

( ang cute ng dolphin... Ü)

Monday, December 10th, 2007
9:42 pm - spoof
warning: ito ay isang super korning entry na sobrang tagal ko nang balak isulat kaso forever na ring napostpone.. haha..

1: nung umuwi kami sa batangas, nanood kami ng die hard (2 ata ewan..).. at dahil dun, may isang magaling na nagpropose ng mas magandang title sa series ng die hard movies(hulaan nyo na lang kung sino..:P).. eto na..
1- die hard
2- die harder
3- die hardest
4- die-amond

bwahahahaha.. okei tama na..

2: cherubs praktis nung nov. 16.. todo laughtrip talaga.. kasi praktis un para sa kakantahan ng upis people (plus ng masswerteng excused/wala talagang klase nung umagang un namely ako at si kuya gabby) sa hotel intercon para sa international conference on hydrology and water resources management for hazard reduction and sustainable development.. wooo.. haba.. huling praktis na nga, nagloko pa.. una ung sa manong pawikan.. dun sa part ng lalalalala naghihintayan lang kami na may pumasok.. at tuloy tuloy pa rin ang piano.. tas biglang.. "di ba kanina pa tapos un??" :))

3: dun pa rin.. pero this time, may ebidensya na... omg.. navideohan ni elayne!! hehe.. alamat ng dilis.. last note.. aaaaa na nga lang nabitin pa.. saya talaga.. :P

eto ung link: http://elenamarthamdoquenia.multiply.com/video/item/7/Alamat_ng_Dilis_-_UP_Cherubim_Seraphim

4: nov. 19.. ung scheduled day sa kanta namin sa intercon.. ang galing!! ako ung pangalawang dumating kaya wala pa atang 6 andun na ko sa harap ng as.. at dahil kala ko ay di ako ihahatid, di pa rin ako naka-costume nun.. buti na rin pala kasi kung hindi, malamang tinitigan na ko ng lahat ng nagjjogging nun.. at masaya sa pinaka likod ng bus... lalo na pag may humps na halos naitsa ka na sa kinauupuan mo.. hehe.. eniweys, ang spoof sa araw na ito ay ang pagkasira ng aking sapatos.. kasi ung nagw-warmup kami dun sa hall na kakantahan namin, ang lata daw namin kaya pinatakbo kami paikot dun.. at sakto naman na naalis ung ilalim ng aking right white shoe.. grar.. buong praktis nun ay hinihila ko ung paa ko para hindi tuluyan maalis ung sole.. may choreo pa man din.. roar.. maraming maraming salamat walter sa iyong pagiging boyscout at pagdadala ng glue!! kahit na di rin cya mashadong tumagal.. at buti na lang nagdala pa ko ng sandals at nakapasok ako sa math ng wala namang problema.. :P

5: sa cherubs, makakapasok ka sa kusina ng mga naglalakihang hotel... makakapaglakad ka rin mula sa isang hotel papunta sa katabing mall/restaurant na naka-costume pa para kumain.. kyut nga parang nagf-fieldtrip eh.. :P

6: bwahaha ate kitel.. ang ewan.. para san nga ba ung linya dun sa tiket na ginawa mo sa choralworx?? joke.. nakakatawa kang panoorin.. :P

7: dahil sa pinanood pa namin ung concert nina ate kitel, dun kami natulog sa condo.. at dahil kinabukasan ang family day nina liz, nalate kami.. cyempre anglayo nun no.. kawawang liz di na umabot sa presentation nila.. pero mas kawawa ung mga taga-holy spirit na hindi grade 5 kasi nagkaklase sila nun.. wahaha.. hi dani!! :P

8: bat ang hilig nila sa papaya song?? pi9nasayaw din si dadi.. :)) at may prize cya na eventually napunta rin sa min.. yey!! at andami-dami pa naming nakuha (rubiks cube!!) at kinain.. bow..

9: ayaw papasukin si cez nung guard nung pumunta kami sa sm.. bwahaha.. at nung uuwi na sana cya saka ko lang natext.. timing talaga.. hahaha.. pero ansarap ng cerealicious.. at nakakatawang mag-suggest ng pangregalo kay cez.. christmas balls na lang tig-iisa sila.. tas drowingan mo.. :D

10: anlakas ng lindol!! haha joke.. di ko naramdaman.. haayyyyyyy.. gusto kong makaramdam nun kahit isang ulit lang.. si ate kitel daw nasa powerbooks nun eh tas naramdaman nila.. ako?? nasa casaa at walang kamuwang-muwang.. nadaig ata nung ingay ung lindol..:P

eto ung spoof- nasuspend daw klase sa claret.. bwahahahaha.. hi patrick!! swerte nyo..

11: may coup- isang malaking joke ang pagpasok ng tangke sa lobby ng manila pen.. un lang.. d end.. ay hinde.. may curfew rin pala.. =P

12: kami ay pumunta sa trinoma nung dec. 1.. grabe!! andaming tao.. ang hirap mag-park.. tas andun na rin ung tarp na nakalagay- dec 16. ms. pops fernandez w/ the up cherubim and seraphim... huwaw!!! nakakaexcite pero nakakatakot din.. ang lapit na!!!

masaya kumain ng sama-sama.. at bumili ng damit.. kasama ko si ate kitel na bumili ng mga shirt at baliw sya.. un lang.. at least may bagong damit.. :P oi kasya rin sa min ung binili ni cez!!! mwahahaha..

13: naalala ko lang.. dati nung tinanong nina dadi si liz kung bakit di nya nakain ung lunch nya, ito ung sagot.. "kasi po nung kakain na kami dapat ng lunch may dumaang daga sa likod namin.. tas ung lilipat na kami ng upuan nag-bell na kaya di na kami nakakain..".. wat an excuse.. liz talaga o..

14: cheese + dilis + 'fiber bread' = recipe ko.. try yo.. so healthy.. :P

15: isa pang early christmas present nina mami at dadi.. laptop uli!!! yehey!! at natest ko ang aking comsci skills dahil patalo ang linpus linux sa acer... grar.. sira pa man din ang aming burner dito sa isa pa.. waa... pero nakaraos naman.. after 1 week ng pagtulog ng past 1 araw-araw.. galing ko talga... xp

ganun lang pala mag-partition ng hard drive.. naks yabang na.. kung gusto nyong magpainstall ng windows at nabackup nyo na lanaht ng files nyo at ok lang sa inyong kalikutin ang inyong pc, just call me.,, bwahahaha..

16: ano bang meron sa mga bola nung wed last week?? sa bowling, tumalsik ung bola nung tinira ko.. ung sa touch rugby naman diretso sa mukha ko nung initsa nung isa kong kaklase.. ouch.. pero oki lang masaya naman.. (ung mga 'push, swing, and roooowwwl the bowling boowwll..' :p at ung fitness test at mga contest sa touch rugby kahit na may parusang pushups/star jumps<3.. kunin nyo un.. masaya talaga.. well at least ung klase naming sooper lively.. ahhaha..)

17: grar ang aking math long test.. 4(0) -3 =0??? 12*4->12=4=16??? waaaaaaaaaa.. sayang 6 points.. owell. pasado naman.. :P

18: pano makatapos ng isang buong series na ilang oras lang??
1.)magpa-bi sa kapatid(ehem kesi)..
2.)pumili ng maikli lang (12 episodes na tig 30 minutes)
3.)hintaying umalis ang mga magulang o kung sino mang pwedeng sumita sa inyo..
4.)gumamit ng 2 laptop/pc at router at i-load ang 2 magkasunod na episode sa bawat isa..
5.)voila!! continuous viewing pleasure!!!
hahaha.. adik.. cez kasi bi.. porke bakasyon nya na... miss ko na pisay..

19:waa!!!!!!!!! KESII!!!!! HUMANDA KA SA PANG-AASAR NAMIN NINA ATE KITEL!! BWAHAHAHAHAHA!!! ikaw a di ka nagsasabi.. ganyanan.. lagot ka talaga.. maghanda ka na ng pang-bribe.. joke.. :))))

maraming maraming salamat po sa lahat ng blessings.. 15 days na lang pasko na!! yey!!



PS.. joey.. kahit na nung summer last yir lang tau nagkakilala sa review at kahit na malamang ay di mo na rin naalala ung pangalan ko, sana ayos ka lang jan.. nasaan ka man, napakaraming nagmamahal sa yo.. ingat ka jan ha.. Ü

current mood: dapat natutulog na ko..
current music: you brought a smile that brightens till the end of day!!! :D

( ang cute ng dolphin... Ü)

Thursday, November 15th, 2007
6:55 am - enrolled na ko!!!!
woohoo!!! im so happy.. at cyempre proud na rin.. dahil mas matino na ung sked ko this sem kaysa last sem!!! sobrang blessed talaga ko kasi nasunod ko ung curriculum at nakakuha pa ko ng mst at 2 pe!!! hahaha.. sobrang mapapagod ako ngaung sem pero kakayanin ko to!!

mon: 9:30-2:15
tuesday: 8:30-4
thurs: 8:30-2:15
fri: 8:30-4
araw-araw 11:30-1 na break..:)
tas ung wed ko, 10-12(tenpin) tsaka 1-3(touch rugby)... todo exercise!!! :P

grabe sobrang nakakapagod ung page-enroll ngaun.. lalo na ung paghahanap ng mst at pe.. ung pe na-tsambaan ko lang dun sa last day ng enlistment ung touch rugby.. tas ung tenpin swerte kasi may 2 bagong bukas na section kaya sureslot na agad nung nagenlist kami kahapon..

ung mst naman.. nung una, gusto naming mag-physics 10.. kaso nung nakagawa na kami ng request letter, closed na raw.. eh di hanap ng iba pang mst.. sinubukan namin sa nigs, kaso ung mga prof dun either wala o hindi na tumatanggap ng prerog.. at dahil math ko na nun, inde ako nakasama nung pumunta sa envisci sina isa at lia.. kaya pagkatapos ng math ko, mag-isa akong naghanap.. try ulit sa geol.. tas punta sa cslib.. at dahil andami dung gumagawa ng request letter para sa natsci at sts, nakigaya na rin... para sa natsci1.. tf 2:30-4..

kinabukasan, tapos na ung math.. nagbago ung teacher namin kasi inde pa rin kami sinipot nung dapat na prof namin.. tas tumambay muna ko sa math bldg hanggang sa dumating ung prof nina isa.. tas pumunta sa cslib para makita kung swerte ba ako o malas..

waaaaaa!!! nakuha ko ung natsci 1.. yey!! di na ko underload.. at dahil lagpas 2:30 na nun, madaliang pagpapaenlist at pagpapastamp ng prerog sa form5a.. tas takbo papunta sa nigs... mas mabilis sana kung ung klase namin sa cs audi na lang pero ok na rin un.. mejo nakakahiya nga lang kasi pagpasok ko(30 minutes late), super dami nang tao.. tas nakisiksik na lang ako dun.. at nalaman ko na nag-meet na pala sila nung friday.. pero at least nakakuha rin ako ng syllabus.. at enlisted na ko sa klase nya(di ko kasi alam ung pangalan ng prof eh)!! haaaaayyy.. salamat po..

pagkatapos, pina-correct ko ung student number ko dun sa cs kasi mali ung nakalagay.. tapos, nagpa-postadvise..

at ang sama ko kasi nakapag-post advise na ko pero nagpadagdag pa ko ng pe.. hehe.. sori na.. wala namang nadagdag na units eh.. buti na lang.. kahapon kasi sabay kaming pumunta ni kim sa gym.. at dahil di namin alam kung san magp-prerog, sinundan na lang namin ung sangkatutak na studyante na lumabas ng gym.. un pala, mag-eenlist sila sa tenpin.. yey!!! ambilis lang at di mo pa kelangang pumila dun sa napakahabang pila.. :P

maglalakad ako papuntang ever next wed.. wahahahaha..

nung 1-3, nagmeet ang touch rugby... cyempre nakakapanghinayang ding i-cancel un.. pe eh.. tas unang beses kong makapasok sa vanguard.. la lang.. nanood kami ng game, nagpakilala, etc.. mukhang masaya naman.. gusto kong matutunan ung laro tsaka mukha rin namang mabait ung coach.. pero mukhang papagurin talaga ko nito.. buti na lang pagkatapos ng tenpin at hinde before.. :P kakayanin ko to!!!

mejo nakakainis lang kasi wala ako dun sa class list pero enlisted na ko dun ayon sa crs.. eh andami pa namang gustong magprerog.. grar.. buti na lang kakapa-validate ko pa lang nung form5 ko..yesss.. pinasulat nya na ung pangalan ko.. yehey.. :)

maraming maraming maraming maraming maraming salamat po talaga.. dahil natupad ung mga balak ko for this sem na kala ko imposible na.. salamat po..

grabe... ang layo ng nilakad ko nitong tuesday at wednesday.. apat na beses kong nilakad mula gym papuntang sc.. tas meron ding mula engg papuntang engglib2 papuntang vinzons.. haaayyyyy.. exercise.. next time galing nang bahay.. :P joke..

basta.. enrolled na ko!!! nakapagbayad na rin ng 46.50.. wahahahaha..

wala kaming cs ngaun!!! math lang klase ko!!! wahahahaha.. 1:00 pa.. Ü

current mood: blessed...
current music: tunog ng ulan.. sana tumigil mamaya..

( ang cute ng dolphin... Ü)

Thursday, November 8th, 2007
7:21 am - anong nangyari sa sembreak?!?
grar.. bat ba lagi ko na lang pinopostpone ung pagsusulat dito.. yan tuloy isang buwan na naman...

pasensya na kung magiging mahaba man to..

mula oct 15 hanggang 17, sumama ko sa skul ni rj.. kasi bago ung yaya nya at para lang may nakabantay.. at ok lang naman kasi may allowance ako kahit na nakaupo lang ako dun at nagbabasa o pinapanood lang ung ginagawa nila for four hours.. wahaha.. sayang nga lang di natuloy ung balak kong magred ribbon.. awwwwww..


sembreak youth camp.. sa tahanan sta monica, tagaytay.. LET'S TESTIFY TO LOVE )


feel the power.. TOWNS POWER!!! )


undas )

at ngaun nga ay kulang pa rin ako ng mst at pe.. sana magkaron na... pleaaaaassssssseee.. waa... at may pasok na bukas at karamihan ng mga estudyante ng up ay di pa enrolled.. great..

good luck na lang sa tin..

current mood: sembreak pero andaming ginagwa
current music: like the rest of the boys!! paraiso!!

(1 ang nagsasabing ang cute ng dolphin... Ü)


> previous 20 entries
> top of page
LiveJournal.com