joanne_m ([info]joanne_m) wrote,
  • Mood: mmmmmmmmmmm... broas...
  • Music: namimiss ko na ang cherubs... sana meron na next wik...

di kami magkamukha!!!

wala mashadong ginawa nung umaga maliban sa pag papraktis at pag-aayos ng setting para sa eng play at magreporting sa food chem(nyak... meron kasing dalawang two types of water... hehehe...) kinain na rin namin ung mga gummy bears sa loob nung eye-catching ice cubes...

comments on the quarrel: di mashadong maganda ung lighting, mejo mahina ung mga boses(though naiintindihan ko naman kasi lagi akong nasa praktis nila at halos mamemorya ko na rin ung mga linya nila... pero maganda ung acting.. pramis... :)

nung hapon may miting sa art club pero wala pa rin akong mashadong naintindihan... at ang konti rin ng umattend... isa kasi di nagbabasa ng maayos... parang si marie... tpos nun dumeretso ako sa caf at nakasalubong sina lia at isa at pumunta sa front lob para magpa-photocopy ng socsci questions... umakyat sa second floor tapos bumaba na uli... ung ilang steps na lang bago ko mabalik ung folder kay kat, nakita ko na ang pinaxerox palang questions ni lia ay ung luma rin... haaaaaaayyyyyy... so un, bumalik pa kami sa taas at saka nakapagpa-photocopy...

nakakatawa si lia... kasi dumaan si *******... nagbatian tapos nung malayu-layo na kami biglang sabi niya 'ang bango ni *******'... hehehe... la lang...

andito si ate aileen... pinsan ko... dito daw muna sya hanggang bukas dahil may inasikasong sumthing... la lang...

bakit ang weird ni cez ngaun... kanina dun sa listahan ng mga kailangang bilhin sinulat nya duck tape at 14 mm pingpong ball... hehehe... tpos ung nagde-dessert sabi nya 'ladyfingers? di ba okra un???'... ngek... pero masayang alalahanin ang conan... un na kasi pe nila eh... naalala ko tuloy ang mapawis na braso ng aking partner na 3 beses ko lang atang "inakbayan"... hehehe...

walang magkakamukha sa ming magkakapatid maliban kay cez at liz... pero bakit ang mga tao sinasabi na kamukha ko si cez??? o kaya si ate kitel??? magkaboses lang kami sa telepono...

speaking of telepono, alam ko na kung kanino nagmana ang ate kong telebabadera... kay dadi... tama ba naman kasing ipa-check sa min ung mail nya tapos biglang magtatatawag sa telepono... haaaaaaaaaayyyyyyy...

  • Post a new comment

    Error

    Your IP address will be recorded 

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…